'Stop and go' scheme ipatutupad para sa Easter 'Salubong' sa Quiapo Church

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2019 01:18 PM

Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) sa mga motorista ukol sa pagpapatupad ng "stop and go" traffic scheme para sa Salubong ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Linggo ng Pagkabuhay.

Susundan ng prusisyong magsisimula hatinggabi ng Linggo ang mga sumusunod na ruta:

Image of the Risen Christ
- Mula Quezon Boulevard (Southbound), kanan sa Palanca Street, kanan sa Villalobos Street hanggang Plaza Miranda

Image of the Virgin Mary
- Mula Evangelista Street, kanan sa G. Puyat Street, kanan sa Quezon Boulevard (Southbound), kanan sa Plaza Miranda

Ang Salubong ay pagtatanghal tuwing Linggo ng Pagkabuhay na nagtatampok sa pagtatagpo ng estatwa ni Kristo at ni Birhen Maria.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.