Sex kapalit ng hubad na larawan: Dalaga, niyayang makipagtalik ng ka-chat ng ina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sex kapalit ng hubad na larawan: Dalaga, niyayang makipagtalik ng ka-chat ng ina

Sex kapalit ng hubad na larawan: Dalaga, niyayang makipagtalik ng ka-chat ng ina

Gracie Rutao,

ABS-CBN News

Clipboard

SAN FERNANDO, Pampanga- Arestado ang isang lalaki sa isang mall dito noong Huwebes matapos takutin ang isang 21-anyos na babae na ipapakalat umano ang mga hubad na larawan ng kaniyang ina kung hindi siya makikipagtalik sa suspek.

Nakipagkita ang 38-anyos na suspek sa 21-anyos na estudyante sa isang mall at nagbanta na ikakalat ang mga hubad na larawan ng 43-anyos na ina kung tatanggi ang dalaga na makipagtalik.

Naaresto ang suspek matapos humingi ng tulong sa mga guwardiya at pulis ang mga kaibigan ng dalaga, ayon kay PO2 Jerimy Bargamento, imbestigador ng kaso.

Napag-alaman na unang naka-chat ng suspek ang ina ng dalaga
noong nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT

Nakapagpadala umano ang ginang ng mga mga hubad na litrato at video niya sa suspek na nagpakilalang nasa Japan. Ayon sa suspek, may relasyon umano sila ng ginang.

"Mahal ang tawagan namin. Noong nakaraang linggo palang kami…wala naman ako pinapagawa,” ayon sa suspek.

Mahaharap sa patong-patong na kasong robbery extortion, coercion at paglabag sa anti-voyeurism law ang nahuling suspek.

Payo naman ng pulisya, huwag basta-basta magtitiwala sa mga nakikilala lang sa chat o social media at agad na makipag-ugnayan sa awtoridad tungkol sa anumang insidente ng pananakot o pagbabanta.

“Huwag magse-send ng nude photos o anumang ginagawa. Alam naman natin sa social media ngayon masyadong maraming nangyayaring krimen," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.