ALAMIN: Maaari bang suspendihin ng DOJ ang iyong karapatang maglakbay? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Maaari bang suspendihin ng DOJ ang iyong karapatang maglakbay?

ALAMIN: Maaari bang suspendihin ng DOJ ang iyong karapatang maglakbay?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kamakailan ay naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagsasabing labag sa Saligang Batas ang watchlist order na inilabas noon ng Department of Justice (DOJ) laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo at sa kaniyang asawa na si Mike Arroyo.

Noong 2011 inilabas ang watchlist order ni dating Justice Secretary Leila de Lima. Layon nitong mapigilan ang mag-asawang Arroyo na makalabas ng bansa.

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM, ipinaliwanag ng abogadong si Atty. Noel Del Prado kung ano ang sinasabi ng batas sa pagpigil sa karapatan sa paglalakbay ng isang tao.

"Ang sabi ng Korte Suprema, tanging mga korte lamang ang binibigyan ng kapangyarihan, at iyan ay naaayon sa mismong probisyon ng Saligang Batas na ang mga korte lamang ang maaaring magbigay ng limitasyon sa ating karapatang maglakbay," ani Del Prado.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, sinabi ng Korte Suprema na walang basehan ang kautusan ng DOJ na pigilan ang paglalakbay ng mag-asawang Arroyo.

"Ang sinasabi ng Korte Suprema dito sa partikular na kautusan ng dating kalihim ng Kagawaran ng Katarungan, sinasabi na walang pinagbabatayang batas, ibig sabihin walang legal basis, at dahil doon, hindi ito naaayon sa Saligang Batas," sabi ng abogado.

Ayon kay Del Prado, puwede lamang magpatupad ng hold departure orders ang DOJ.

Maaari itong ipatupad ng ahensiya sa pamamagitan ng Bureau of Immigration (BI) na nagbabantay sa mga paliparan at pantalan, sabi ng abogado.

Samantala, puwede ring pigilan ng batas ang paglalakbay ng isang tao.

"Sa Konstitusyon, ang nakalagay lang doon, consideration of national security, public health, public safety, pero sa ating mga batas ngayon, meron nang ipinatupad ang Kongreso," sabi ni Del Prado.

"Halimbawa, 'yung batas natin laban sa terorismo, kapag ang isang tao ay nakasuhan ng terorismo at iyan ay naka-pending na sa korte, puwedeng limitahan ang kaniyang paggalaw," dagdag nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.