Gobyerno hinimok na mamuhunan sa kalusugan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gobyerno hinimok na mamuhunan sa kalusugan

Gobyerno hinimok na mamuhunan sa kalusugan

Willard Cheng,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Isinusulong ng Healthy Philippines Alliance na mamuhunan sa kalusugan ang gobyerno at tignan ito bilang investment at hindi bilang cost.

Ayon kay Paul Mendoza, Presidente ng Psoriasis Philippines, dapat mamuhunan sa healthcare ang pamahalaan sa pamamagitan ng paglaan ng dagdag na budget para sa mga programa laban sa non-communicable diseases (NCD) o hindi nakahahawang sakit..

Punto ni Mendoza, mas makatitipid ang gobyerno kung mamumuhunan sa mga programang layon na pigilan at ma-kontrol ang dami ng tinatawag na chronic diseases gaya ng cancer, diabetes, cardiovascular diseases, chronic respiratory diseases at mental health.

Magiging productive aniya ang mamamayan kung maagang matutugunan ang sakit. Halimbawa niya, hindi kasama ang psoriasis na isang chronic autoimmune skin disease sa mga health package ng PhilHealth at mga health cards.

ADVERTISEMENT

“Sana makita din po natin na this is a needed investment para po maging productive din po itong mga patients na ito. Kung maa-address po ito nang maaga, hindi na kayo gagastos. Kasi gagamutin niyo lang siya pag malala na, e di mas malaki ang gastos. Pero kung na-address nyo siya sa simula pa lang, makaka-save po tayo,” Mendoza said.

Batay sa 2019 data na ibinigay ng Healthy Philippines Alliance, 70 porsyento ng kabuuang namatay sa Pilipinas ay sanhi ng NCD.

Ayon sa datos ng World Health Organization, nasa 511,748 Filipino ang namatay dahil sa NCDs.

Nasa 52 porsyento ng mga namatay sa NCDs ay may edad na mas mababa sa 70 taong gulang.

Sa lahat ng namatay sa NCD noong 2019, 34 porsyento ang dahil sa cardiovascular diseases, habang 24 porsyento ang dahil sa communicable, maternal, perinatal, and nutritional conditions. Nasa 13 porsyento rin ang dahil sa ibang NCDs, habang 9 porsyento ang cancer-induced.

Nasa higit P756 bilyong piso bawat taon o 4.8 porsyento ng annual GDP ang tinatayang cost sa pambansang ekonomiya ng NCD.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.