Mga klase sa Tagum naantala dahil sa magnitude 6.2 na lindol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga klase sa Tagum naantala dahil sa magnitude 6.2 na lindol

ABS-CBN News
Published Apr 19, 2022 04:52 PM PHT

Naantala ang face-to-face classes sa Tagum City National Comprehensive High School sa Mankilam, Tagum City, Davao del Norte nang yumanig ang magnitude 6.2 na lindol nitong umaga ng Martes.

Kita sa mga larawan ni Lorena Languido ang mga guro at estudyante na nasa labas ng paaralan matapos ang pagyanig.

Nag-duck, cover, and hold din ang Grade 4 pupils sa loob ng classroom sa Mga Bayani ng Pilipinas Elementary School sa bayan ng Tago, Surigao del Sur. Ayon kay Cliff Pimentel Cuartz, medyo malakas ang naramdaman nilang lindol doon.

Samantala, nagsilabasan din ang mga empleyado ng Davao City Hall at Sangguniang Panlungsod matapos ang nangyaring lindol.

Patuloy ang assessment ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office kung ano ang naging epekto ng lindol at kung may naitalang pinsala dahil sa pagyanig.

Inabisuhan naman ang mga barangay rescue at volunteers na magsagawa rin ng assessment at suriin ang landslide-prone areas.

—Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT