'Tayo-tayo muna': Konsepto ng 'community pantry' lalo pang lumaganap | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tayo-tayo muna': Konsepto ng 'community pantry' lalo pang lumaganap

'Tayo-tayo muna': Konsepto ng 'community pantry' lalo pang lumaganap

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nagsimula ang sumisikat na konsepto ng "community pantry" sa isang karatula at simpleng ideya: magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.

Pero sa loob lamang ng ilang araw, ang community pantry sa Maginhawa street sa Quezon City ay lumaganap na sa iba't ibang siyudad at lalawigan.

Mula sa Caloocan, Pasig at sa Maynila, tumawid na sa ibang lalawigan mula Laguna hanggang Albay. Umabot na rin ito sa Visayas at Mindanao.

Si Ana Patricia Non na nagsimula ng community pantry sa Maginhawa, nagulat sa lawak at bilis ng pagkilos ng mga komunidad para tumulong.

"Masaya ako nakita ng mga tao 'yung need pero at the same time, saya at lungkot. Di sya pure positive... Nae-expose din na kailangan 'yung food security sa ating mga Pinoy... Masaya na na-empower tayo kasi kailangan natin magtulungan kasi tayo-tayo muna habang kulang ang nakukuha natin," sabi ni Non.

ADVERTISEMENT

Si Pacencia Valdez na matiyagang pumila sa Maginhawa, masaya dahil maitatawid niya ang pagkain sa isang araw dahil sa community pantry.

"Malaking tulong na ito sa amin na hikahos din."

Tuloy-tuloy naman ang dating ng mga may dalang ayuda, ang ilan ay ayaw nang magpakilala.

Suportado ng Department of Health ang community pantry, pero nagpaalala pa rin sa physical distancing.

"Unang-una, nire-recognize natin ang effort ng ating mga kababayan na talagang tutulong sila sa ating mga nangangailangan... Malaking tulong ito both sa physical wellness and mental wellness ng ating kababayan," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

ADVERTISEMENT

Nauna nang sinabi ng ilang senador na bagama't masayang makita ang bayanihan sa pamamagitan ng community pantry, isa umano itong senyales ng kapalpakan ng pamahalaan na magbigay ng ayuda sa pandemya.

Para kay Sen. Panfilo Lacson, "desperado" na ang taumbayan, habang "wake up call" naman ang tingin dito ni Sen. Grace Poe.

Itinanggi naman ng pamahalaan ang paratang na ito at sinabing huwag nang magbangayan.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.