Saleslady patay sa pananaksak ng holdaper sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2021 11:30 AM

MAYNILA — Patay ang isang saleslady matapos pagsasaksakin ng umano'y holdaper noong Linggo sa Barangay Baritan, Malabon.

Kinilala ng Malabon police ang biktima na si Maribeth Goco, 47 anyos.

Ayon sa barangay tanod na si Cefriano Cerio, pumasok ng boutique ang suspek saka tinutukan ng kutsilyo si Goco.

Pilit umanong kinuha ng suspek ang pera at mga gamit sa boutique.

Tumanggi umano ang biktimang ibigay ang kaniyang mga gamit kaya siya pinagsasaksak ng suspek.

Naaresto naman ang suspek at narekober ang ginamit na kutsilyo pati ang P200 ninakaw na pera.

Mahaharap ang suspek sa kasong robbery with homicide.

BALIKAN:

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.