Mga akyat-bahay tinangay ang 1-buwang suplay ng pagkain ng pamilya sa Butuan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga akyat-bahay tinangay ang 1-buwang suplay ng pagkain ng pamilya sa Butuan

ABS-CBN News
Published Apr 19, 2020 02:01 PM PHT

Tinutugis na ng mga pulis sa Butuan City ang 8 lalaki na nanloob umano ng bahay sa Barangay Libertad noong madaling araw ng Sabado at tumangay sa isang buwang suplay ng pagkain ng mga residente nito.

Sa water tank pinaniniwalaang umakyat ang isa sa mga kawatan -- na nakasuot ng face mask -- at pumasok sa hindi naka-lock na pintuan sa ikalawang palabag ng bahay sa Acosta Village.

Pinasok ng mga kawatan ang kuwarto ng kasambahay pero wala silang nakuha roon. Nagising din umano ang kasambahay pero nagpanggap na tulog.

Nagising din ang may-ari ng bahay na si Jil Madel de Bord matapos tawagan ng katulong at inabisuhan niya ang katulong na huwag munang lumabas ng kuwarto para makaiwas sa pananakit ng mga kawatan.

Nang makapasok ang ibang kawatan sa bahay ay tulong-tulong nilang tinangay ang 40 kilo ng bigas, mga de-lata, kape, at mga sabon.

Kinuha rin sa loob ng refrigerator ang karne, isda, at iba pang processed food.

"Pang-isang buwang konsumo na sana namin 'yong mga ninakaw dahil nga home quarantine," ani De Bord.

Pinayuhan ng Butuan police ang publiko na ugaliing ikandado ang lahat ng pintuan ng bahay bago matulog para makaiwas sa pambibiktima ng mga magnanakaw.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
akyat-bahay
pagnanakaw
Butuan City
rehiyon
krimen
enhanced community quarantine
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT