Nag-fumigate sa Barangay Commonwealth, Quezon City bilang bahagi ng synchronized dengue clean-up drive noong Agosto 2019. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
MAYNILA -- Pinaalalahanan ngayong Martes ng Department of Health (DOH) ang publiko na ipatupad ang "5S strategy" upang maiwasan ang sakit na dengue.
Ang 5S ang ilang istratehiya para maiwasan ang sakit at makontrol ang pagkalat nito. Kabilang dito ang:
- Search and destroy mosquito breeding sites
- Self-protection like using of insect repellents
- Seek early consultation at the neatest health care facility
- Support fogging, spraying, and misting in hot spot areas
- Sustain hydration
Iginiit ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na walang pinipili ang kagat ng lamok, at walang katotohanan na ang mga maiitim o kulot lang o pinapawisan ang kinakagat ng nito.
"Walang pong pinilili ang lamok kung sino ang kakagatin... so kailangan lagi lahat tayo, dapat tayo alam natin kung paano natin maiiwasan ang isang sakit," ani Vergeire.
Pinapayuhan ang publiko na takpan ang iniimbak na tubig para iwas sa lamok na namumugad sa clear and stagnant na tubig, itapon ang tubig na naiipon sa ilalim ng patuyuan ng pinagkainan, maglinis ng bakuran, proteksiyunan ang sarili gaya ng paggamit ng mosquito repellent lotion, at magsuot ng mahahabang damit na pantulog gaya ng pajama.
— Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.