1 patay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Malay, Aklan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Malay, Aklan

1 patay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Malay, Aklan

ABS-CBN News

Clipboard

Ilang opisyal ng Malay MDRRMO, Bureau of Fire Protection, niligtas ang ilang natabunan ng lupa sa Malay, Aklan. Courtesy of Malay BFP

MALAY, Aklan - Isa ang patay nang natabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang kalsada sa Malay, Aklan, pasado alas-3, Sabado ng hapon.

Nasawi si Modesto Appellido, 44 taong gulang, na residente ng Bingawan, Iloilo.

Samantala, tatlo ang sugatan sa pagguho ng lupa sa Sitio Putol, Brgy. Caticlan. Sila ay kinilalang sina Jade Daryl Castillo, 27 taong gulang; Jay Castillo, 22; at Darius Castillo, 48. Sila ay mga residente ng Brgy. Caticlan.

Lahat sila ay trabahador ng Gurrea Construction Company.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon ng mga pulis ng Malay, natuklasan na ginagamit ang isang backhoe upang maghukay sa mataas na bahagi ng lugar nang biglang gumuho ang malambot na bahagi ng lupa.

Hindi nasama sa pagguho ang backhoe ngunit tumabon naman ang lupa sa 4 na trabahador.

Lumambot daw ang lupa dahil sa pag-ulan noong nakaraang araw.

Kaagad naman natagpuan ang mga biktima gamit ang backhoe at dinala ng mga rumespondeng opisyal ng Malay MDRRMO at Bureau of Fire Protection sa Malay Municipal Hospital sa Brgy. Motag, ngunit ideneklarang dead on arrival si Modesto.

- Mula sa ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.