Pami-pamilya, nagdiwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa mga parke | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Pami-pamilya, nagdiwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa mga parke

Pami-pamilya, nagdiwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa mga parke

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Namasyal ang daan-daang pamilya at magkakaibigan sa ilang libreng pasyalan sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

Nag-almusal ang mga magkakaanak sa park ng Quezon Memorial Circle (QMC) Linggo ng umaga.

Kasabay nito, kanya-kanyang laro ng sports at habulan sa playground ang mga kasamang bata.

Nilakad pa ng magkakapitbahay nina Marlyn Allada mula Barangay Pag-asa sa Quezon City ang QMC.

ADVERTISEMENT

Magsisimba sila pagkatapos ng pasyal, na unang beses nilang ginawa sa loob ng 2 taon.

“Sa tagal ng pandemic ‘yong mga bata nami-miss nang gumala. Bale ngayon may free time, malaya na tayong gumala… saka kami rin… pampatanggal ng stress, ‘di ba?” sabi niya.

Balik-kita para sa mga vendor ang pagdagsa ulit ng mga namamasyal sa park.

Pero ayon kay Nelson Quinto na nagtitinda ng cotton candy, kulang pa ang kikitain niya dahil hindi pa rin katulad ng dati ang dami ng mga dumadayo sa QMC.

“Mahina… pambili na rin ng pagkain,” sabi niya.

Tingin pa rin niya, maaabot niya ang bentang P2,000 para sa kanyang budget.

“Kaya, siguro ‘wag lang umulan.”

Puntahan din ng mga gusto ng libreng pasyalan ang Rizal Park sa Maynila. Bukod sa picture-taking at paglalakad, nag-picnic ang ilan sa ilalim ng mga puno, o kaya nagpahinga lang.

Dinarayo rin ng ilan ang Manila Bay Dolomite Beach para magpalitrato mula sa footbridge.

Sarado pa rin kasi ang artificial beach dahil sa patuloy na pagsasaayos.

Galing probinsya pa si Carol Barretto at ang kasama niya na unang pumunta sa Quiapo Church.

“Nagsimba lang po sana, kaya napadpad po kami dito, e sayang naman po ‘yong oras, namasyal na.”

Inaasahang sa hapon ng Easter Sunday at umaga ng Lunes ang dagsa ng balikan ng mga tao sa Metro Manila mula sa pagbabakasyon sa probinsya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.