PatrolPH

11 sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2021 02:18 AM

11 sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Iloilo 1
Kuha ng Lambunao PNP

Sugatan ang 11 na katao matapos magbanggaan ang isang bus at truck sa Lambunao, Iloilo Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Lambunao PNP, magkasalubong ang dalawang sasakyan sa isang kalsada sa Brgy. Poblacion nang mawalan ng preno ang truck at bumangga sa bus.

Nagtamo ng malubhang sugat ang driver ng truck matapos maipit sa driver seat.

Agad dinala sa ospital ang sampung sakay ng bus kasama ang driver matapos magtamo ng sugat at makaramdam ng pananakit ng katawan.--Ulat ni Rolen Escaniel

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.