3 timbog sa paggawa ng fake ID para kumuha ng food coupons sa Pasig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 timbog sa paggawa ng fake ID para kumuha ng food coupons sa Pasig

3 timbog sa paggawa ng fake ID para kumuha ng food coupons sa Pasig

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Huli ang 3 residenteng nabistong gumawa ng pekeng ID para kumuha ng food coupons sa Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig nitong Huwebes.

Hindi na idinetalye ng alkaldeng si Vico Sotto ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Nabatid na nag-imprenta sila ng pekeng ID ng Nagpayong Elementary School.

Namamahagi sa Pasig ng 400 pesos na halaga ng food coupons sa mga estudyante ng pampublikong paaralan at pwedeng ipambili ang coupon sa Pasig Mega Market, mobile palengke, at ilang talipapa.

ADVERTISEMENT

Sa pagkuha ng food coupon, makakatanggap kahit kaanak lang ng estudyante ang pumunta bitbit ang kanilang school ID.

Pansamantalang itinigil ang pamimigay ng food coupon sa naturang lugar.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.