'Viral' video ng pagdukot sa estudyante pinasinungalingan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Viral' video ng pagdukot sa estudyante pinasinungalingan

'Viral' video ng pagdukot sa estudyante pinasinungalingan

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 17, 2019 07:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gawa-gawa lang at hindi totoo ang viral video na nagpapakita sa pagdukot sa isang estudyante sa Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD).

Sa imbestigasyon ng MPD, lumabas na biruan lang ng mga kabataan ang umano ay kidnapping.

Sa nasabing video, mapapanood na sapilitang isinakay sa van ang isang lalaking naka-backpack sa may Santa Ana district noong gabi ng Linggo.

Pero bago nito, nakuhanan din ng closed-circuit television (CCTV) camera noong gabi ring iyon ang parehong van sa insidente ng sapilitang pagsakay sa isang estudyante sa may Ramon Magsaysay Boulevard.

ADVERTISEMENT

Nang ihambing ng MPD ang 2 video, napansing iisa lang ang hitsura ng umano ay dinukot na lalaki, at pareho ang backpack at suot na damit.

Nakuhanan ng CCTV ang plate number ng van kaya inalam ng MPD kung sino ang may-ari nito.

"It alarms the public for those na nakakita ng video na 'yon so we exerted our effort to locate the owner of the van," ani Police Lt. Col Ruben Ramos, hepe ng pulisya sa Santa Mesa, Maynila.

Lumabas sa imbestigasyon ng MPD na hindi totoong pagdukot ang nangyari kundi mga eksenang katuwaan lang. Ginaya lang umano ito ng mga kabataan mula sa nakita nila sa social media.

"Napag-isipan po namin na may gayahin po kami na ginawa sa Facebook na parang kikidnapin 'yong kaibigan nila kasi ayaw sumama," sabi ni Elhanan Laus, isa sa mga nasa gumawa ng eksena ng umano ay pagdukot.

"Parang trip-trip lang po kasi namin na magkakaibigan na ganoon," ani Laus.

Hindi kinasuhan ng MPD ang mga kabataan pero binalaan sila na hindi biro ang kanilang ginawa.

Nagbabala rin ang MPD sa mga netizen na huwag basta gayahin ang mga napapanood sa social media na mga trip-trip lang lalo kung alam namang mali ito. --Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.