Mga gamit sa bomba ng umano'y NPA, nakuhay sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2021 12:22 AM

Kuha ng 72nd Infantry Batallion

Nahukay ng mga sundalo ang iba’t-ibang uri ng kagamitan para sa mga improvised explosive devices (IEDs) sa Barangay Miaray, Dangcagan, Bukidnon, araw ng Martes.

Ayon sa 72nd Infantry Batallion, maraming miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA) ang lugar at sila ang hinihinalang nagtago ng IED materials sa ilalim ng lupa.

Kuha ng 72nd Infantry Batallion

Nakuha umano ang impormasyon sa dalawang residente na nagsumbong sa mga awtoridad.

Ang lupa ay pag-aari ng isang barangay kagawad.

Dalawang malalaking lalagyan ng IED shrapnel, apat na galon ng IED shrapnel, isang sako ng PBC frame, at isang container ng ammonium nitrate fuel oil ang mga narekober mula sa nahukay ng mga sundalo. - Ulat ni Chrislen Bulosan


RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.