ALAMIN: Mga trabahador na pasok sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

ALAMIN: Mga trabahador na pasok sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination

ALAMIN: Mga trabahador na pasok sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Inilabas na ng gobyerno ang pinal na listahan ng essential workers na saklaw ng A4 priority list ng mga babakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19).

Kasunod sila sa mga babakunahan matapos ang mga senior citizen at mga may comorbidity na pasok sa A3 priority list.

Kasama sa A4 ang mga nasa sumusunod na sektor:

  • Pampublikong transportasyon
  • Mga nagtitinda sa palengke, grocery, at supermarket
  • Manggagawa sa food, beverage, medical, at pharmaceutical companies
  • Religious leaders
  • Security guards
  • OFW
  • Media
  • Public at private employees na madalas humarap sa tao

Ayon sa mga awtoridad, posibleng maisama ang A4 vaccination sa Mayo.

ADVERTISEMENT

"Tuloy-tuloy sila kahit may pandemya. Kahit nag-e-ECQ tayo, nagtatrabaho pa rin sila, that's why we identified them as essential," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Posibleng simulan na sa Agosto ang pagbabakuna sa bahagi ng populasyon na hindi kasama sa priority eligible groups, ayon sa National Task Force Against COVID-19.

Ayon kay NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr., inaaasahang maaagapan sa ika-3 quarter ang kakulangan sa suplay ng COVID-19 vaccine.

Mas dadami na anila ang suplay dahil sa panahong iyon, mangagalahati na o higit pa ang pagbabakuna ng malalaking bansa.

"Nakita natin 'yung constricition ng global supply, it's only good hanggang second quarter, maybe at the middle of 3rd quarter mag-stop na yan. 'Yan ang expectation namin that's why we are preparing for the mega vaccination in August," ani Galvez.

"India and other countries are most likely baka nasa halfway na sila ng vaccination nila and they will provide other countries the extra doses," dagdag niya.

Ayon kay Galvez, inaasahang darating ngayong Abril ang dagdag na 1.5 milyong dose ng Sinovac vaccines mula China. May inaasahan din na 500,000 paunang doses ng Gamaleya vaccine, na bahagi ng 10 milyong dose na contract nito sa Pilipinas.

Bago matapos ang Abril hanggang Mayo, naka-schedule nang dumating ang 4 milyong bakuna ng AstraZeneca, at 2.4 milyong doses ng Pfizer sa ika-3 quarter.

Posible ring dumating sa Mayo ang Moderna vaccine, ayon kay Galvez - bagama’t wala pa itong emergency use authorization application.

Posible ring dumating sa Hunyo ang tinatayang nasa 1 milyong dose na in-order ng pribadong sektor.

Samantala, maglalabas ng panuntunan ang Food and Drug Administration sa paggamit ng AstraZeneca, na kamakailan ay itinuloy ang paggamit matapos ang paghinto noong unang bahagi ng Abril.

— Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.