DOLE aminadong kulang ang pondong pang-ayuda sa lahat ng manggagawa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOLE aminadong kulang ang pondong pang-ayuda sa lahat ng manggagawa

DOLE aminadong kulang ang pondong pang-ayuda sa lahat ng manggagawa

Zen Hernandez,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Tinatayang nasa higit milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan o nabawasan ang trabaho dahil sa lockdown sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa bunsod ng krisis sa COVID-19.

Dahil dito, maraming trabahador ang nanawagan ng ayuda sa gobyerno, na naglabas naman ng pera bilang tugon sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), mahigit 200,000 manggagawa na ang nabigyan nila ng one-time cash assistance na P5,000.

Ang problema, P1.6 bilyon lang ang paunang budget ng DOLE para sa cash assistance, na sapat lamang para sa mahigit 300,000 manggagawa.

Hinihintay pa ng DOLE ang P2.5 bilyon na karagdagang pondong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero kahit ito, limitado pa rin ang bilang ng manggagawang kayang bigyan ng tulong.

ADVERTISEMENT

"Makakapag-accommodate pa kami ng mga around 500,000 workers so all in all we would be reaching around 821,000 workers. So ibig sabihin... meron at meron pa rin po talagang hindi maseserbisyuhan," ani DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay.

Pero sabi ng DOLE, maaaring subukan ng mga manggagawa na humingi ng ayuda sa bagong programa ng pamahalaan na cash aid para sa mga empleyado ng maliliit na negosyo na binansagang "Small Businesses Wage Subsidy Program."

Isinara na ng DOLE ngayong araw ang aplikasyon para sa kanilang cash assistance.

Ayon naman sa grupong Defend Jobs Philippines, ang komplikadong proseso sa pagbibigay ng ayuda ang problema kaya imbes makatulong ay lalo pang nahihirapan ang mga manggagawa.

"Kasi dapat nga emergency cash assistance ito pero parang walang sense of urgency, walang sense of emergency 'yung ginagawa ng DOLE," ayon kay Christian Yamzon, executive director ng naturang labor group.

Bukod sa mabagal na pamamahagi, kinokondena din ng mga labor group ang kakarampot umanong P5,000 cash assistance na dapat daw ay gawing P10,000.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.