Xian Gaza, nakalaya na: ‘I’m ready for a new life’

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2018 10:21 PM

MAYNILA—Nakalaya na si Xian Gaza matapos makulong sa kasong paglabag sa Anti-Bouncing Checks Law.

Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Gaza sa kaniyang mga tagasuporta na aniya'y tumulong sa kaniya upang makalaya mula sa kulungan. 

Sumuko si Gaza sa pulis-Malabon nitong Huwebes matapos mapabalitang may 2 arrest warrant laban sa kaniya dahil sa mga umano'y tinakbuhang utang.

Humingi rin siya ng tulong sa publiko upang makapagpiyansa siya ng halagang P160,000.

Nauna nang sumikat ang 24-anyos na negosyante matapos aluking magkape ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard. Tumanggi naman ang aktres sa alok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.