120 kilo ng karne ng aso, nasabat sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

120 kilo ng karne ng aso, nasabat sa Batangas

120 kilo ng karne ng aso, nasabat sa Batangas

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasagip ang apat na asong nakatakdang katayin sa bayan ng Ibaan, Batangas nitong Biyernes. ABS-CBN News

Nasabat ang nasa 120 kilo ng karne ng aso habang nasagip ang apat na asong nakatakdang katayin sa bayan ng Ibaan, Batangas nitong Biyernes.

Arestado naman ang tatlong suspek na sina Miguel Cleope, Ariel Laparan, at Nestor Atienza gamit ang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, National Meat Inspection Service, Provincial Public Safety Company, at Animal Kingdom Foundation.

"Mayroon tayong isang concerned citizen na nagreport. Dapat ang target namin na schedule ng operation is nakaraang Friday pa pero nagkulang sila ng stocks kaya wala silang katay kaya minomonitor namin, tuluy-tuloy na monitoring. Ayun natiyempuhan naming,” ani Allan Pekitpekit, imbestigador at researcher ng Animal Kingdom Foundation, Inc.

Base pa sa imbestigasyon, tuwing Sabado ang bentahan ng karne ng aso.

ADVERTISEMENT

"Nilalako nila yung iba, may pumupunta rin doon para bumibili. Katunayan kanina inaalok pa kami, ‘Sir ilang kilo sa inyo?’" ani Pekitpekit.

Aabot sa 120 kilo ang timbang ng nakumpiskang karne ng aso, o katumbas umano ng 12 kinatay na aso.

Hawak ngayon ng CIDG-Batangas ang tatlong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa National Meat Inspection Code.

"Kung mapapatunayan sila na nagkasala rito ay pwede silang ma-fine-an ng not less than P100,000 to P1 million,” ani Dr. Fernando Lontoc, direktor ng NMIS-Calabarzon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.