Mga simbahan sa Metro Manila dinagsa ng mga deboto ngayong Miyerkoles Santo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga simbahan sa Metro Manila dinagsa ng mga deboto ngayong Miyerkoles Santo

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Apr 13, 2022 06:23 PM PHT

Punuan na ang loob ng Baclaran Church habang nagdaraos ng mga misa hapon ng Miyerkoles Santo.

Marami sa mga pumunta ay pami-pamilya, matapos ang dalawang taong online lang muna ang mga aktibidad ng Semana Santa dahil sa COVID-19 pandemic restrictions.

Tuloy-tuloy din ang dating ng mga nag-visita iglesia at nagnilay sa stations of the cross.

Ayon sa Rrctor ng simbahan na si Fr. Victorino Cueto, kung dati ay dalawa lang ang Stations of the Cross sa simbahan, dinagdagan nila ito ng isa pa ngayong taon, para maiwasan ang kumpulan.

May mga usher din at volunteers na tumutulong magpatupad ng minimum health protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, at temperature check sa entrance. Pero pwedeng pumasok sa simbahan ang lahat- bakunado man o hindi.

“Ngayong Miyerkoles, marami na rin ito. Siguro 15% less compared to pre-pandemic period. Pero kitang-kita mo pa rin sa mga tao ‘yung parang kasabikan at pagnanais na maipagdiwang ang Semana Santa nang makahulugan. Dalawang taon tayong hindi nakapagdiwang ng Semana Santa, kaya bahagi na rin ng kalooban ng mga tao na sana ay makabalik nga. At ito, unti-unti naman bumalik ang mga tao,” sabi ni Cueto.

“Dahil ang IATF naman ay pumayag na 100%, so ina-allow natin ang 100% capacity, bagamat may minimum protocols na dapat sundin. Unang-una siyempre ay ‘yung laging pagsusuot ng face mask, ganoon din ‘yung paghihikayat sa paglalagay ng alkohol. Lagi namin nire-remind ‘yung physical distancing,” dagdag niya

Bukas ng hapon, mga kabataan ang huhugasan ng paa sa Misa ng Huling Hapunan sa Baclaran Church.

Umaasa si Cueto na isasaalang-alang sila at ang kanilang kinabukasan ng mga boboto sa darating na halalan.

“Ito ang ating responsibilidad sa mga kabataan natin. Ipinapakita natin ang isang halimbawa na moral at naaayon sa pamantayan ng simbahan at marangal na lipunan,” aniya.

Sa Manila Cathedral naman, 12 indibidwal na kakatawan sa mga sektor na may mahalagang papel sa darating na halalan ang huhugasan ng paa ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Misa ng Huling Hapunan bukas. Tatlo rito ay first-time voters, dalawa ay myembro ng electoral board, tatlo ang opisyal ng Commission on Elections, tatlong myembro ng poll watch group na PPCRV, at isang journalist.

“To show that the Church is praying for these sectors of election frontliners and for the coming elections,” paliwanag ni Fr. Reginald Malicdem, Rector ng Manila Cathedral.

Sa harap ng Quiapo Church, sisimulan mamayang alas syete ng gabi ang isang senakulong musikal na pwedeng panoorin on site, o sa pamamagitan ng live streaming sa PYM Quiapo Facebook Page.

Magdaraos din ang simbahan ng Misa ng Huling Hapunan alas singko ng hapon bukas. Ilang oras lang pagkatapos nito, pagpatak ng alas dose nang hatinggabi, uusad na ang motorcade ng poong Nazareno.

“Sa mga deboto, hinihiling namin ang inyong pakikiisa. Kakaiba po muna ang ating gagawin. Sana maunawaan n’yo po na hindi pa tayo pwedeng magpasanan. Hindi pa tayo pwedeng humila ng lubid. Imo-motorcade lang natin ang Nazareno. Kailangan namin ang inyong kooperasyon, ang inyong disiplina na papairalin sa paglabas ng Nazareno,” sabi ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church.

“Sa magpaparticipate, ‘wag na magdala ng back pack, para iwas tayo sa pagche-check. ‘Wag na rin magdala ng istandarte. ‘Wag na dalhin ‘yung mga imahen na dinadala nila dati rati. Ibigay na muna natin ito sa imahen ng Nazareno. Kung kaya po ninyo magdala ng kandila na de-baterya, mas mainam po,” dagdag niya.

May Siete Palabras din sa Quiapo Church tanghali ng Biyernes, at Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Poong Hesukristo alas tres ng hapon.