LRT-1, isasara muna sa 2 susunod na weekend | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LRT-1, isasara muna sa 2 susunod na weekend

LRT-1, isasara muna sa 2 susunod na weekend

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Ititigil muna sa dalawang susunod na weekend ang operasyon ng LRT-1, abiso ng Light Rail Management Corporation ngayong Martes.

Ayon sa Light Rail Management Corporation (LRMC), isasara ang riles nang Abril 17 hanggang 18, at Abril 24 hanggang Abril 25.

Paliwanag nila, ito ay para ipagpatuloy ang kanilang maintenance works para sa mas maayos na serbisyo at biyahe ng mga bagon ng kanilang tren.

Ipinagpapatuloy nito ang nasimulang rehabilitation works noong Semana Santa, ayon sa LRMC.

ADVERTISEMENT

"The works to be carried out during this period would cover the maintenance of trains, stations, and various systems including the scheduled replacement of overhead catenary wires," ayon sa LRMC.

Gagamitin din ang maintenance bilang paghahanda sa paggamit ng
bagong Generation-4 train sets sa ikaapat na quarter ng taong ito.

Magde-deploy ang Department of Transportation ng mga bus na maaaring gamitin ng mga apektado ng pagsasara ng LRT-1.

Tiniyak din ng LMRC ang mahigpit na implemantasyon ng health and safety protocols at guidelines ng Inter-Agency Task Force sa panahon ng kanilang maintenance works.

"LRMC assures that it will continue to enforce its health and safety protocols, as well as comply with IATF guidelines while performing the maintenance works during this period," ayon sa LRMC.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.