Higit P11.5 milyong halaga ng pananim sa Ilocos Norte, napinsala ng El Niño | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit P11.5 milyong halaga ng pananim sa Ilocos Norte, napinsala ng El Niño

Higit P11.5 milyong halaga ng pananim sa Ilocos Norte, napinsala ng El Niño

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa agriculture office ng Ilocos Norte, P11.5 milyon na ang halaga ng mga nasirang pananim sa rehiyon dahil sa El Niño. ABS-CBN News

Umabot na ng mahigit P11.5 milyon ang halaga ng mga nasirang pananim sa Ilocos Norte dahil sa El Niño.

Sa tala ng agriculture office ng Ilocos Norte, P11.3 milyon ang halaga ng nasirang palay, habang mahigit P270,000 naman sa mais.

Ito ay report lamang mula sa bayan ng Pagudgud at Laoag City kaya inaasahang tataas pa kapag nakapagbigay na ng ulat ang iba pang bayan.

"Inaadvise-an na namin na emergency harvest pero ang hindi maganda ay kung namumulaklak pa lang ang ating mga palay ay hindi pa pwedeng harvest dahil wala pang laman ang kanilang butil," ani Ilocos Norte agriculturist Norma Lagmay.

ADVERTISEMENT

Hindi naman daw problema ang irigasyon sa mga bayan sa silangang bahagi ng Ilocos Norte dahil madami pang tubig at paminsan-minsan din ang pag-ulan. --Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.