Resulta ng 2020-2021 Bar exams inilabas na; mga nakapasa naluha sa saya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Resulta ng 2020-2021 Bar exams inilabas na; mga nakapasa naluha sa saya

ABS-CBN News
Published Apr 12, 2022 08:21 PM PHT
|
Updated Apr 13, 2022 08:08 PM PHT

MAYNILA — Inilabas na ng Korte Suprema nitong Martes ang resulta ng 2020-2021 Bar exams.

Kung hindi naghuhumiyaw sa tuwa, bumuhos naman ang luha sa Padre Faura nang malaman ng ilan na pasado sila.

"Ang saya-saya ko po, para sa mama at papa ko po... Di ko po ma-explain kasi grabe ang pinaghirapan namin sa law school tapos ngayon, nagbunga na siya," ani Izza Laurio, isa sa mga pumasa.

"Tuwang-tuwa po kami kasi kauna-unahan siua na naging abogado sa family namin. Ito talaga ang sinabi ko sa kanya na pangarap ko na maging abogado siya," ani Joel Arada, ama ng isa sa Bar passers.

Hindi biro ang sinuong na hamon ng mga bagong abogado. Ilang beses na-postpone ang Bar exams dahil sa pandemya at nag-iba rin ito ng anyo.

Sa 11,402 na nakatapos ng 2020-2021 bar exams nitong Pebrero, 8,241 o 72.28 percent sa kanila ang pumasa.

• 11,790 - bilang ng Bar applicants
• 11,402 - bilang ng mga nakatapos ng Bar exams
• 8,241 - bilang ng mga pumasa

Isa ito sa pinakamataas na passing rate sa kasaysayan ng Bar exams, pangalawa lamang noong 1954 na may passing rate na 75.17 percent.

"Never before did bar examinees face the uncertainties they did for these bar examinations... That 11,042 were able to complete the examination is a feat in itself," ani SC justice Marvic Leonen, 2020-2021 bar exams chair.

Di tulad ng mga nakaraang Bar exams, walang top ten or bar top notchers ngayong taon.

Ang University of the Philippines ang nanguna sa may pinakamaraming exemplary passers o mga nakakuha ng markang 85 to 90 percent.
UP rin ang may pinakamaraming excellent passers o mga nakakuha ng higit 90 percent na marka.

Sa kabuuan, may 761 exemplary passers habang 14 naman ang excellent passers.
—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News