'E-Konsulta' ng opisina ni VP Robredo 'di muna tatanggap ng mga request | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'E-Konsulta' ng opisina ni VP Robredo 'di muna tatanggap ng mga request

Adrian Ayalin,
ABS-CBN News
Published Apr 12, 2021 12:42 PM PHT

MAYNILA – Tigil muna ngayong Lunes ang online medical consultation project ng Office of the Vice President matapos bumuhos ang mga request mula sa publiko.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Vice President Leni Robredo na suspendido muna ang serbisyo ng "Bayanihan E-Konsulta," na inilunsad niya noong nakaraang linggo, pero magpapatuloy naman ulit ito sa Martes.

“Ito po ay upang magbigay-daan sa pagtugon sa backlog dulot ng pagdagsa ng mga request, at sa pag-iimprove ng ating system para mas mapabuti ang ating serbisyo,” sabi ni Robredo.

Gamit ang Facebook at ang libre nitong data service, layon ng "Bayanihan E-Konsulta" na makatulong na maibsan ang hirap sa mga punuang ospital ngayong patuloy na dumarami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

ADVERTISEMENT
Nitong Linggo, nakapagtala ang Pilipinas ng 11,681 dagdag na kaso ng COVID-19 para sa kabuuang 864,868 kumpirmadong kaso.

RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Office of the Vice President
Leni Robredo
telemedicine
Bayanihan E-Konsulta
health care
Covid-19
Philippines Covid-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT