8 taong gulang, nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
8 taong gulang, nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon

April Rose Magpantay,
ABS-CBN News
Published Apr 12, 2020 09:55 PM PHT

Isang walong taong gulang na babae ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Quezon Public Information Office, taga bayan ng Pitogo ang pasyente at may travel history sa bayan ng Unisan na nauna nang nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Mula sa 23 nitong Sabado, umakyat na sa 25 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon ngayong Linggo.

Bukod sa batang babae, nadagdag din sa listahan ang 37 anyos na lalaki mula sa Lucena City. May exposure umano ito kay Patient 13 na taga-Tayabas City.

Parehong nasa ospital na ang dalawang nadagdag na pasyente.

Umabot naman sa lima ang pumanaw na COVID-19 positive patients sa Quezon. Mula ang mga ito sa mga bayan ng Candelaria, Unisan, Infanta, Tiaong, at Calauag.

Samantala, nananatiling tatlo ang recovered patients sa lalawigan ng Quezon. Sila ay sina Patient 1 mula sa Lucena City, Patient 3 na taga-Sariaya, at si Patient 6 mula sa Tayabas City.

Labing-anim naman na ang namamatay sa Quezon dahil sa ilang sintomas na katulad ng COVID-19.