Mga pasyalan, simbahan sa southern Luzon inaasahang dadagsain | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pasyalan, simbahan sa southern Luzon inaasahang dadagsain

ABS-CBN News
Published Apr 12, 2019 07:17 PM PHT

Inihahanda na ng mga lokal na pamahalaan ang mga pasyalan at simbahan sa ilang probinsiya sa southern Luzon sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto at turista sa Semana Santa.

Minamadali na ang pagre-renovate sa National Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng nasa 2 milyong magbi-Visita Iglesia simula Linggo.

Si Saint Padre Pio ang takbuhan ng may mga iba't ibang kahilingan gaya ng mga nais mag-abroad, pumasa sa exam, magkaanak, at gumaling sa sakit.

'''Yung iba humipo sa relics eh prayers granted daw, and we have testimonies lalo na 'yung mga healing after noong pagdalaw noong incorrupt heart of St. Padre Pio,'' ani Rev. Fr. Leonido Dolor, Vice Rector ng shrine.

Naghahanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas lalo't inaasahan ang pagtindi ng trapiko sa Maharlika Highway.

Ipinayo ng Traffic Management Group sa mga magagaang na sasakyan na patungong Quezon, Bicol, at Visayas na gamitin na lang ang Balete Exit ng Star Tollway at huwag nang mag-exit sa Sto. Tomas. Sa Alaminos o San Pablo City sa Laguna ang labas nito.

Samantala, inaasahan ang pagdami ng mga pupunta sa resort tulad sa Calamba, Laguna na may mga sikat na hot spring.

Itinaas na rin ng isang resort owner ng hanggang P2,000 ang kanilang presyo.

Inaasahang titindi ang trapiko sa Calamba National Highway hanggang Los Baños kung saan tabi-tabi ang mga resort.

Magdadagdag na rin ng mga traffic enforcer at ipapatupad ang "no parking zone" sa gilid ng naturang highway.

Ipinaalala naman ng simbahan na huwag kalimutan ang tunay na diwa ng Semana Santa. -- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Semana Santa
Semana Santa 2019
Holy Week
tourist
simbahan
religion
tour
Laguna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT