Mga sako ng ‘smuggled’ na bigas, ipinapabaon na ng Customs sa Tacloban | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga sako ng ‘smuggled’ na bigas, ipinapabaon na ng Customs sa Tacloban

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Apr 12, 2018 05:28 PM PHT

TACLOBAN CITY—Ipinag-utos na ng Bureau of Customs sa lokal na pamahalaan ng lungsod na ito na ibaon na ang aabot sa 982 sako ng nabubulok na bigas na nakatambak sa bodega ng National Food Authority (NFA).

Ayon sa mga trabahador sa bogeda, matagal nang itinambak ng Customs ang nabubulok na mga bigas.

Ayon kay acting deputy district collector Diogenes Denita, nakompiska ang mga sako ng bigas mula sa isang barko noon pang Enero 2014.

Hindi nakapagpakita ng dokumento ang may-ari ng bigas kaya kinompiska ito at pansamantalang inilagay sa bodega ng NFA sa loob ng port area ng Tacloban.

Dagdag pa ng opisyal, matapos ang pagsusuri sa bigas, napag-alamang hindi na maaaring ipakain sa tao o sa hayop ito kaya napagdesisyunang ibaon na lamang ang bigas.

Nakipagtulungan na ang Customs sa lokal na pamahalaan ng Tacloban sa paghakot sa mga nasabing sako ng bigas. Inaalam na rin kung saan maaaring ibaon ito.

Sinisiguro rin ng Customs na kumpleto ang mga papeles ng mga sako ng bigas bago ito ibaon sa lupa.