Ilang Duterte supporter, sinalag ang larawang kasama ang 'nanguha ng datos sa FB' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang Duterte supporter, sinalag ang larawang kasama ang 'nanguha ng datos sa FB'

Ilang Duterte supporter, sinalag ang larawang kasama ang 'nanguha ng datos sa FB'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 24, 2019 06:55 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang inosenteng pananghalian kung ilarawan ng isang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang kaniyang pakikipagkita noon sa dating pinuno ng kontrobersiyal na Cambridge Analytica.

Ito ang naging depensa ni PCOO Undersecretary Joel Sy Egco nang lumabas sa artikulo ng South China Morning Post (SCMP), na isinulat ng Pinay correspondent na si Raissa Robles, ang larawan niya kasama sina Alexander Nix, noo'y board director ng Strategic Communications Laboratories (SCL) na parent company ng Cambridge Analytica, ang magpinsang sina Peter Laviña at Jose Gabriel "Pompee" La Viña na mga dating social media strategist at campaign spokesman ni noo'y Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at si Taipan Millan na tinukoy sa report bilang family friend ng mga Duterte.

Dating National Press Club (NPC) president si Egco.

Batay sa ulat ng SCMP, kinuhanan ang larawan sa isang event ng NPC sa Maynila noong Mayo 2015, isang taon bago mahalal na pangulo si Duterte.

ADVERTISEMENT

Noong nakaraang linggo lang inamin ng Facebook na 1.2 milyong Pinoy ang kabilang sa 87 milyong FB users ang nakuhanan ng datos na "improperly shared" o naibahagi sa maling paraan sa Cambridge Analytica.

Facebook handout image

Dahil sa kontrobersiya, pinagdudahan ang seguridad ng impormasyong ibinabahagi sa Facebook at kung kaya nga ba itong magamit para impluwensiyahan ang halalan.

Sinuspende si Nix bilang CEO ng Cambridge Analytica nang pumutok ang isyu ng FB privacy.

Pero pinabulaanan ni Egco na may kinalaman sa kandidatura ni Duterte ang naging pulong nila noong 2015.

"What I’m telling now is the truth, the whole truth, and nothing but the truth. The only role that I had back then was to write the story because a lot of people were guesting in the press forum," ani Egco sa panayam ng ANC.

ADVERTISEMENT

(Sinasabi ko ang buong katotohanan. Ang tanging papel ko noon sa okasyon ay magsulat ng istorya dahil maraming dumalo sa press forum.)

"That was the first and last time that I met Nix. Other than that, no more," aniya. "I didn’t hear of him until recently."

"That was a very innocent lunch."

(Iyon ang una at huling beses kong nakita si Nix, wala nang iba pang pagkakataon. Muli ko na lang narinig pangalan niya kamakailan.)

Dagdag pa ni Egco, iyon din lang ang unang beses na nakilala niya ang magpinsang La Viña.

ADVERTISEMENT

MAGPINSANG LA VIÑA

Ayon naman kay Pompee La Viña, na nagsilbing Social Security System commissioner sa ilalim ni Duterte, bukas sa publiko ang naturang okasyon ng NPC noong 2015 at hindi bababa sa isang ulat ukol dito ang lumabas sa telebisyon.

"The claim of Ms. Raissa Robles that Duterte campaign officials "dined" with Alexander Nix in May 2015 is not entirely accurate. It is true that Peter Tiu Laviña and I were guests at a press conference held at the National Press Club around the 14th of May 2015 where Alexander Nix appears to have been interviewed by media. It was an open and public event with many news cameras and major media organizations present. I recall seeing at least one report about it on television," saad ng pahayag ni Pompee.

Aniya, inihain ang tanghalian sa lahat ng bisita ng naturang NPC event kaya di masasabing sila lang ang grupo na kumain kasama ni Nix.

Nagpakuha rin ng larawan si Peter kasama si Nix at ini-upload iyon sa Facebook na makikita raw ninuman.

"The NPC served lunch to all their guests in several tables adjacent to the area where the press conference was conducted. This was on the 2nd floor of the NPC building in Intramuros. At one point, Mr. Nix sat down with us and Peter Laviña had a photo taken which he then posted on his Facebook account. This photo has been on the timeline of my personal Facebook account since then with privacy settings set to "Public" so anyone can view it," dagdag ng pahayag ni Pompee.

ADVERTISEMENT

Layunin lang daw nilang magpinsan noon na mapagtibay ang relasyon sa tradisyonal na media dahil tinitimbang pa raw ni Duterte noon ang pagtakbo sa pagka-pangulo. Gusto rin daw ni Peter na muling maging miyembro ng NPC habang nais din daw ni Pompee na muling makita ang mga kasamahan mula sa College Editors Guild ng Metro Manila, kung saan siya naging chairman mula 1979 hanggang 1980.

Hindi na raw nakita pa o nakipag-ugnayan si Pompee kay Nix bukod sa araw na iyon at di nga raw niya nabatid na may kaugnayan ito sa Cambridge Analytica kung hindi pa ipinunto ni Robles.

"I have not met, talked to, communicated with nor otherwise been in contact with Mr. Nix since that day. In fact, I had totally forgotten his name and did not realize he was the man associated with Cambridge Analytics until Ms. Robles pointed this out," saad ng pahayag ni Pompee.

LABAG SA BATAS

Sa ilalim ng Philippine election laws, isang krimen ang foreign intervention o panghihimasok ng mga dayuhan at puwedeng mapanagot kung ginawa ito sa panahon ng kampanya na itinatakda 90 araw bago ang halalan.

Iniulat ng news website na Quartz noong nakaraang linggo na tumulong ang SCL para sa imahe ng isang kandidatong inilarawan bilang "strong, no-nonsense man of action" o malakas at umaaksiyon agad.

ADVERTISEMENT

Hindi pinangalanan ang naturang kandidato.

Pinabulaanan ni Barry Gutierrez, campaign spokesman ni dating Interior Secretary Mar Roxas -- naging mahigpit na katunggali ni Duterte -- na gumamit ang kanilang kampo ng serbisyo ng SCL.

Hindi tiningnan ng kanilang grupo na magiging battleground o seryosong paglalabanan ang social media sa eleksyon nang mga panahong iyon. Nagbago lamang daw ang sitwasyon nang pumasok sa eksena si Duterte at nanalo ng 16 milyong boto sa halalan.

"Our social media campaign was very nominal. We had social media but it was not prioritized. Most of the resources were really channeled towards the grassroots organizations," sabi ni Gutierrez sa ABS-CBN News.

(Hindi naging prayoridad ang social media sa kampanya namin dahil mas tumutok kami sa mga organisasyon.)

ADVERTISEMENT

Pero aniya, noon pa ma'y nabagabag na siya sa social media strategy umano ng grupo ni Duterte.

"Sa akin kasi, dagdag na lang na kuwento na meron silang apparent leanings with SCL and Alexander Nix and by extension, Cambridge Analytica," sabi ni Gutierrez.

"Even during the campaign, even without knowing who they were dealing with, who supposedly was behind the strategy nila sa social media, medyo na-disturb na ako sa kanilang approach."

Tingin ni Gutierrez, dapat sagutin ng kampo ni Duterte ang alegasyon partikular na ang isyung ilegal na paggamit ng personal na impormasyon ng Facebook users.

"As far as the campaign is concerned, it’s over. Pero tingin ko, definitely, every ordinary citizen has the right to demand accountability."

ADVERTISEMENT

CAMBRIDGE ANALYTICA

Nag-umpisa ang kontrobersiya tungkol sa Cambridge Analytica sa simpleng personality test na kumalat sa Facebook.

Gawa ito ni Cambridge University researcher Aleksandr Kogan.

Ang hindi alam ng mga sumagot sa test, binigyan na pala nila ng permiso ang third party app ng facebook na malikom ang kanilang private data gaya ng likes, interes, lokasyon, political affiliation, relationships, photos at iba pa.

Halos 300,000 sa sumagot sa quiz ang nakuhanan ng data, bukod pa sa kanilang FB friends na nasikwatan din ng personal na datos.

Ayon naman sa whistleblower na si Christopher Wylie na dating taga-Cambridge Analytica, ginamit nila ang data para maimpluwensiyahan ang boto para kay Donald Trump sa U.S. elections, at maging ang Brexit vote sa United Kingdom.

ADVERTISEMENT

Pinabulaanan ito ng Cambridge Analytica.

Gayunman, ikinaalarma ito ng mga gobyerno sa UK at U.S.

Ipinatatawag sa U.S. Senate hearing ang Facebook CEO at founder na si Mark Zuckerberg sa Abril 11.

Humingi na rin ng paumanhin si Zuckerberg sa nangyari.

Aniya, responsibilidad ng Facebook na pangalagaan ang nalilikom na datos mula sa users nito kaya't gumagawa na sila ng mga hakbang para tiyaking hindi na muling mangyayari ang kontrobersiya sa Cambridge Analytica.


-- May ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.