Hindi totoong sinabi ni Sotto na paparusahan si Kiko Pangilinan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hindi totoong sinabi ni Sotto na paparusahan si Kiko Pangilinan

Hindi totoong sinabi ni Sotto na paparusahan si Kiko Pangilinan

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Dec 13, 2024 10:00 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/04/08/20220408-fact-check.jpg

Walang sinabi si Senate President Vicente Sotto III na paparusahan si Sen. Francis Pangilinan kung mapatunayang nakipagsabwatan sa Smartmatic para manalo sa halalan.

Kapwa tumatakbong bise presidente si Sotto at Pangilinan.

Inilabas ng YouTube channel na “IDØL CÀLØY” noong Marso 19 ang video na may headline na “SEN. SOTTO HANDANG PARUSAHAN SI SEN. KIKO DAHIL SA PAKIKIPAG SABWATAN NITO SA SMARTMATIC PARA MANALO.”

Sinabi sa umpisa ng video na nagsalita na si Sotto tungkol sa security breach sa Smartmatic, at pumalag umano ito dahil ayaw niyang madaya siya ni Pangilinan sa labanan para sa bise presidente.

ADVERTISEMENT

Ngunit kung papanoorin ang buong video, walang makikitang sinabi si Sotto na sumusuporta sa headline ng video. Ni hindi niya nabanggit si Pangilinan sa buong interview.

Ang tanging ipinakita lamang ng video post ay ang artikulo ng The Manila Times na “Comelec admits breach in Smartmatic system” at ang video clip ng interview ni Sotto sa SMNI News noong Marso 17.

Matatandaang lumabas ang balitang nagkaroon umano ng security breach sa Smartmatic matapos ibahagi ng dating empleyado ang nilalaman ng kanyang laptop sa isang grupo.

Mapapanood ang buong interview ni Sotto sa YouTube channel ng SMNI News.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.