Oxygen tanks pinapakyaw sa mga tindahan ng medical supply | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Oxygen tanks pinapakyaw sa mga tindahan ng medical supply

Oxygen tanks pinapakyaw sa mga tindahan ng medical supply

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Hindi lang face mask, face shields, o first aid kit kung hindi pati na rin isang oxygen tank ang dala-dala ni Teodoro Trinidad araw-araw sa kaniyang sasakyan.

"Nakikita naman natin na full capacity na ang mga hospital so kailangan natin na maghanda," ani Trinidad.

Natakot naman si EJ Katherine Letrero nang dalawang ospital ang tumangging i-admit ang kaniyang lola na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) at noo’y hirap huminga dahil sa pneumonia.

"Imagine niyo naman po 'yun kung sobrang emergency na, hindi na makahinga di ba tapos punuan pa 'yung ospital, so nakakatakot po," ani Letrero.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, plano na rin niyang bumili ng sariling oxygen tank. Iyon nga lang, hirap na siyang makahanap ng suppilier.

Sa Amse Medical Supplies Store, naubos na ang oxygen concentrator na hindi dati pinapansin.

"'Yung concentrator na iyon isasaksak lang po through, saksakan lang po ng supply ng kuryente tapos kaya na niya mag-produce ng 24 hours oxygen. Tapos 'yung pinagkaiba nya sa tank di na kailangan ng refill po," ani JC Pacheco, liaison officer ng pamilihan.

Out of stock na rin ang oxygen tanks, at ang mga natitira, nakareserba na. Nagkakaubusan na rin pati sa supplier nila dahil sa biglang taas ng demand hindi lang ng mga COVID-19 patients, kundi pati na rin sa mga nag-iimbak ng sariling tank.

Dumami ang mga namimili ng oxygen tank sa mga medical supply store sa Bambang sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Para kay Dr. Anna Ong-Lim, na parte ng technical working group ng Department of Health, hindi masamang ideya ang pag-iimbak ng oxygen tank.

"At least kung mayroon silang some kind of recourse within the home kung kailangan man natin silang abisuhan na pumunta sa ospital hindi sila nagmamadali nang sobra-sobra," ani Ong-Lim.

Pero paalala rin ng iba pang eksperto ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), dapat kaakibat nito ang medical supervision.

"Hindi ito madaling gamitin. There are safety issues, there are dangers so kung mag-o-oxygen sa bahay, out of desperation, do it under medical supervision," ayon kay HPAAC Spokesperson Dr. Antonio Dans.

Ganito rin ang payo ng Department Of Health, na sinabing posibleng ang mga ospital naman ang mawalan ng suplay kapag napakyaw na ang lahat ng oxygen tank.

ADVERTISEMENT

"It might cause you harm if hindi mo naman talaga kinakailangan. Pangalawa, baka 'yung supply ng ospital ay ma-deplete kasi baka lahat gumagamit ng oxygen," ani DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Sinabi rin ng mga supplier na nagkakaubusan na rin ng personal protective equipment at iba pang medical supply.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.