Barangay sa Batangas nasa state of calamity dahil sa sunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay sa Batangas nasa state of calamity dahil sa sunog

ABS-CBN News
Published Apr 07, 2019 04:40 PM PHT
|
Updated Apr 07, 2019 07:15 PM PHT

BATANGAS CITY--Isinailalim sa state of calamity ang Barangay Sta. Clara sa lungsod na ito, Linggo, matapos matupok ang nasa 100 bahay sa likod ng Batangas Port.

Sabado ng hapon sumiklab ang sunog sa isang bahay na nagkaroon ng electrical overload, ayon sa ilang residente. Mabilis anilang kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga katabing bahay at malakas ang hangin.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit ng lokal na gobyerno ang emergency funds nito.

Tinatayang 421 pamilya ang naapektuhan ng sunog, ayon kay Rod Dela Roca, head ng disaster council ng lungsod.
Tinatayang 421 pamilya ang naapektuhan ng sunog, ayon kay Rod Dela Roca, head ng disaster council ng lungsod.
ADVERTISEMENT
Brgy. Sta. Clara,Batangas City,isinailalim na sa state of calamity dahil sa nangyaring sunog; 421 pamilya na ang apektado,ayon kay Rod Dela Roca, head ng CDRRMC š·: Elliot Andal pic.twitter.com/SBIKQ40rmb
ā Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) April 7, 2019

Pansamantalang dinala sa Batangas City Oval ang mga nasunugan, samantalang pinili naman ng ilan na magpalipas ng gabi sa tabi ng lansangan.

PANOORIN: Drone video ng sunog kagabi sa Brgy. Sta. Clara,Batangas City na tumupok sa higit 100 bahay. Umabot sa 300 pamilya ang apektado. š¹: Elliot Andal pic.twitter.com/hM7XFs5kgK
ā Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) April 7, 2019
PANOORIN: Drone video ng sunog kagabi sa Brgy. Sta. Clara,Batangas City na tumupok sa higit 100 bahay. Umabot sa 300 pamilya ang apektado. š¹: Elliot Andal pic.twitter.com/hM7XFs5kgK
ā Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) April 7, 2019
Halos dalawang oras na ang sunog sa Brgy. Sta. Clara,Batangas City pic.twitter.com/UkROAPsimU
ā Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) April 6, 2019

-- May ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT