20 bahay, natupok sa sunog sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2018 02:34 PM | Updated as of Apr 07 2018 02:36 PM

LAPU-LAPU CITY, Cebu - Hindi bababa sa 20 bahay ang natupok sa sunog sa Barangay Pusok dito sa lungsod, Sabado ng umaga.

Nagsimula ang sunog dahil sa "electrical misuse" sa bahay ng isang Lita Generale, sabi ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection.

Inabot ng halos 30 minuto ang pagliyab ng apoy bago ito makontrol ng mga bombero.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng apoy.

Pansamantalang manunuluyan ang mga pamilyang nawalan ng bahay sa Mini Hoopsdome sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.