Sumabog umano ang ilang ceramic tiles sa Baclaran church dahil sa sobrang init. Southern Police District
Nagulat ang mga nagsisimba sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help Church sa Parañaque City dahil sa malakas na ingay na para umanong putok ng baril sa gitna ng misa nitong Miyerkoles.
Hinala ng Baclaran police sub-station, nag-ugat ang kaguluhan sa mga ceramic tiles na umano'y sumabog dahil sa sobrang init pasado alas-5 ng hapon.
Walang nasaktan sa naturang insidente at agad din nalinis ang mga natuklap na tiles.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente pero naibalik na sa normal ang mga schedule ng misa.
Nakikipag-ugnayan pa rin ang ABS-CBN News sa rector at admin ng Baclaran Church para sa karagdagang impormasyon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.