Munisipyo sa Pampanga, isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Munisipyo sa Pampanga, isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19

Munisipyo sa Pampanga, isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Pansamantalang isinara ang town hall ng Guagua, Pampanga matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado dito.

Pansamantalang isinara ang town hall ng Guagua, Pampanga nitong Lunes matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng naturang munisipyo.

Ayon kay Guagua Mayor Dante Torres, lahat ng opisina ng town hall ay sarado at ipaaalam lang kung ito'y magbubukas na.

"Ayaw ko naman na biglang-bigla yung buong munisipyo positive," aniya.

Bukod sa health services at ibang basic services, lahat ng empleyado ay nka-home quarantine muna at hindi pinapayagang maglalabas.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan ang publiko na kung maaari ay huwag na munang magpunta sa munisipyo at idaan ang mga transaction online.

Noong Lunes, sinimulan na rin ang pagsasara sa buong pamilihan ng Guagua para sa mga buwan ng Abril at Mayo para magbigay daan sa paglilinis at disinfection.

Sa huling tala ng provincial health office ng Pampanga, may 40 active COVID-19 case pa rin ang Guagua. Nakapagtala na ang bayan ng 517 na impeksyon ng COVID-19.

Ang Guagua ang ikalawang bayan sa Pampanga na may pinakamataas ng bilang ng namatay dahil sa COVID-19.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.