Ilang lugar sa Mindanao binaha, nagka-landslide | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang lugar sa Mindanao binaha, nagka-landslide

Ilang lugar sa Mindanao binaha, nagka-landslide

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa ang ilang lugar sa Mindanao nitong nakalipas na magdamag bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Sa Davao de Oro, maraing pamilya ang inilikas sa Barangay Tuboran sa bayan ng Mawab dahil sa baha.

Tumama rin ang landslide sa ilang lugar sa bayan gaya sa national highways sa Barangay Tuboran at Barangay Sawangan, at mga sitio sa Barangay Malinawon.

Sa ngayon, nalinis na ang mga daan, at nadadaanan na ng mga motorista at residente ang mga kalsada.

ADVERTISEMENT

Sinuspende na rin ng lokal na pamahalaan ang face-to-face classes sa lahat ng antas.

Sa Sarangani, halos 2 oras naman na-stranded gabi ng Lunes ang ilang motorista sa highway sa Alabel dahil sa hanggang tuhod na baha.

Sa social media post ni Gary Amparado, makikitang may ilang tumirik na motorsiklo dahil nagpumilit na makatawid sa baha.

Nagpadala ang provincial disaster office ng rescue team sa lugar para ilikas ang mga residenteng malapit sa highway sa Barangay Kawas at Ladol.

Sa General Santos City, nasira ang isang bahagi ng kalsada dahil din sa baha.

Umapaw umano ang tubig mula sa sapa sa Purok Guadalupe, na dahilan ng pagkasira ng ilang impraestruktura.

Ilang araw nang umuulan sa Mindanao, na ayon sa state weather bureau na PAGASA ay dahil sa intertropical convergence zone.

— Ulat nina Hernel Tocmo at Chat Ansagay

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.