Wesmincom chief Carlito Galvez, bagong AFP chief | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Wesmincom chief Carlito Galvez, bagong AFP chief

ABS-CBN News
Published Apr 05, 2018 11:13 PM PHT

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Western Mindanao Command chief Lieutenant General Carlito Galvez bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes.

Hahalili si Galvez kay AFP chief of staff General Rey Leonardo Guerrero na magreretiro sa Abril 24.

Noong Oktubre pa dapat magreretiro si Guerrero kasabay ng mandatory retirement age na 56, pero pinalawig ng anim na buwan ni Duterte ang termino nito.

Nauna nang sinabi ng pangulo na itatalaga niya si Guerrero bilang susunod na administrator ng Maritime Industry sa kaniyang pagreretiro sa AFP.

Si Galvez ang napili mula sa limang pangalan ng senior military officers na isinumite ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Duterte.

Ayon kay Lorenzana, nakabase ang kaniyang isinumite sa mismong rekomendasyon ng Board of General ng AFP.

Kabilang sa Board ang chief, vice chief, deputy chief at ang mga chief ng Army, Air Force, at Navy.

Miyembro si Galvez ng Philippine Military Academy class ng 1985.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Rodrigo Duterte
Carlito Galvez
Leonardo Guerrero
Armed Forces of the Philippines
AFP
AFP chief of staff
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT