Guagua Church sa Pampanga nagbigay pugay sa COVID-19 frontliners | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guagua Church sa Pampanga nagbigay pugay sa COVID-19 frontliners

ABS-CBN News
Published Apr 02, 2021 01:36 AM PHT

Nagbigay-pugay sa mga frontliners ang Immaculate Conception Parish Church sa Guagua, Pampanga ngayong Huwebes Santo sa pamamagitan ng misa para sa Huling Hapunan ni Jesus.

Sa isang virtual na misa, ginampanan ng 12 frontliners at myembro ng mga sektor ang papel ng 12 apostoles sa ritwal ng paghuhugas ng paa o washing of the feet.

“This pandemic should not push us to fight each other for survival, but it should push us to fight together for us to survive and beyond surviving…to begin living!” ani Rev. Fr. Benjamin Espiritu III, parochial vicar ng Immaculate Conception Parish.

Kasama sa 12 ang ilang frontliners sa barangay at health workers na mataas ang peligrong kinakaharap dahil sa COVID-19.

ADVERTISEMENT
Nandoon din ang senior citizens, empleyado, mamamahayag, government employees, mga nawalan ng trabaho, at church frontliners na kumakaharap din ng mga problemang dulot ng pandemya.

Kasama sa mga hinugasan ng paa ang isang parking attendant sa Hall of Justice na ipinagsasabay ang pagiging delivery man para kumita. Naroon rin ang isang embalsamador na itinuturing ring first responder para sa mga namamatayan.

Pati ang mga estudyante at guro na kumakaharap sa hamon ng new normal sa edukasyon ay binigyang pugay rin.

Isinama rin ng simbahan ang mga human rights advocates tulad ng mga abugado na nagtatanggol sa mga biktima ng pananamantala.

Ayon sa pari, iba-iba man ang estado at katayuan sa buhay ng mga tao, importante ang patuloy na pagtutulungan para malampasan ang kahirapan na dulot ng pandemya.

— May ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT