264 pasahero, crew nailigtas mula sa nasirang barko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
264 pasahero, crew nailigtas mula sa nasirang barko

Rodge Cultura,
ABS-CBN News
Published Apr 02, 2017 06:51 PM PHT

Nailigtas ang 264 na pasahero at 18 tripulante mula sa isang barkong nagka-aberya sa Bilaa Point, Southern Leyte Linggo.

Ayon sa mga pasahero, umalis ang MV Maria Oliva ng Montenegro Lines pasado alas-5 ng hapon Sabado mula sa pantalan ng San Ricardo sa Southern Leyte. Nagkaroon ng problema ang makina nito bandang 5:40 p.m.

Sinubukan ng crew na ayusin ang main engine ngunit hindi na ito umandar pa. Parehong hindi gumana ang dalawang makina ng barko.

Ayon sa ilang pasahero, kinabahan sila at nagsuot na ng life vest sa takot sa maaring mangyari lalo na at 10 oras nang hindi umaandar ang makina ng barko.

Isang rolling cargo vessel na GT Express 1 na ang tumulong para mahila ang barko patungong Surigao.

Nakarating sa Lipata Port sa Surigao City ang barko Linggo ng hapon. Agad na binigyan ng Philippine Red Cross ng psychosocial support ang mga pasahero. Binigyan din ng gamot ang mga pasahero, lalo na at may mga pasaherong tumaas ang blood pressure dahil sa insidente.

Nagpapasalamat ang mga pasahero at walang masamang nangyari pero marami ang nagrereklamo lalo at hindi umano ipinaalam sa kanila ang tunay na sitwasyon ng barko.

Kinumpirma ni Montenegro Lines OIC George Asis na nagkaproblema at inaayos pa hanggang sa mga oras na ito ang makina ng MV Maria Oliva na nakadaong ngayon sa Lipata Port sa Surigao City.

Tumangging magbigay ng pahayag ang shipping lines sa insidente. Inaalam pa umano nila kung ano ang naging sahi at pumalya ang makina ng barko.

Sinuspende na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang passenger ship safety certificate ng MV Maria Oliva.