MAYNILA - Arestado ang isang traffic aide ng Metropolitan Manila Development Authority matapos ang isang entrapment operation sa Maynila noong Biyernes.
Kinilala ang suspek na si Rey Gaza, 53 anyos na naka-assign sa MMDA Northern Traffic Enforcement Division – Traffic Reaction Unit, ayon sa pahayag na inilabas ng MMDA.
Nag-ugat ang operasyon sa isang reklamo ng may-ari ng trucking company.
Giit ng nag-reklamo na si Salvador Jecino na nangonglekta ng umano'y payola si Gaza at ang kanyiang kasamahan na aabot sa P10,000 kada buwan para masigurong maayos ang operasyon ng kaniyang trucking at transport serving business.
“The MMDA is serious in cleansing its rank. As a matter of fact, the agency is continuously cracking down against corrupt employees as part of its intensified cleansing program to weed out erring personnel,” ani MMDA Acting Chairman Artes.
Nahaharap sa kasong robbery extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Gaza.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.