Household lockdown, curfew at liquor ban sa Pampanga, pinalawig hanggang Abril 15 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Household lockdown, curfew at liquor ban sa Pampanga, pinalawig hanggang Abril 15

ABS-CBN News
Published Apr 01, 2021 12:19 AM PHT

Pinalawig hanggang ika-15 ng Abril ang umiiral na household lockdown, curfew at liquor ban sa lalawigan ng Pampanga.

Inanunsyo ni Pampanga Governor Dennis Pineda na pinalawig na ang Executive Order No. 5-2021 mula ika-5 ng Abril hanggang ika-15 ng Abril.

Matatandaang unang ipinatupad ito noong Marso 20 na tatagal lang sana ng hanggang Abril 5. Pero dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ang napupunong mga COVID center at medical facilities sa lalawigan, mahigpit pa ring ipinapatupad ang household lockdown, liquor ban at curfew.

Patuloy ang pagpapatupad ng mandatory wearing of face mask at face shield, at tanging mga may edad 18 hanggang 60 lang papayagang makalabas.

May libreng COVID-19 testing na rin para sa mga senior citizens na may sintomas ng COVID-19 mula Abril 1 hanggang 11, 2021.

Maaring magpalista ang mga kamag-anak sa mga kapitan o barangay health worker para maka-avail ng libreng swab. Ang mga kapitan ang madadala sa mga senior citizens sa swabbing site.

Inoobliga na rin na maglagay ng plastic divider o barrier sa mga Barangay Patrol vehicles.

Para sa mga hindi residente ng lalawigan at hindi authorized person outside residence (APOR) na nagbabalak na magpunta sa Pampanga, kinakailangan may maipakitang negative na RT-PCR test result.

Istrikto ring ipatutupad ang 50 porsyentong capacity sa mga establisimyento at pagsunod sa minimum safety protocols ng pamahalaan.

Bubuo na rin ng technical working group ang provincial government katuwang ang mga private at public hospital sa Pampanga para masolusyunan ang problema sa mga napupunong COVID-19 centers at health facilities sa lalawigan.

Sa huling tala nitong ika-30 ng Marso, mayroong 114 bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Mayroon ring kabuuang 1,444 na active cases.

Pumalo na rin sa 2,446 ang mga nahuhuling lumabag ng quaratine protocols sa lalawigan.

“Ang paghihigpit na ginagawa natin sa probinsya ay para maibaba natin ang COVID cases natin sa probinsya... Ito pong March 16 to 30, pumalo po ang cases natin sa 1,500, triple po sa mga nakaraan na cases natin. Halos pumapalo na po tayo ng 1,500. 15 days, so kailangan ho natin ng paghihigpit," paliwanag ni Pineda.

- ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO
Read More:
Pampanga
Governor Dennis Pineda
Dennis Pineda
Pampanga household lockdown
Pampanga COVID-19 cases
Tagalog news
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT