Silid sa Makati Science HS nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Silid sa Makati Science HS nasunog
Silid sa Makati Science HS nasunog
ABS-CBN News
Published Apr 01, 2019 07:50 AM PHT

MANILA -- Nasunog ang isang classroom sa Makati Science High School, Linggo ng gabi.

Natupok ang lahat ng kagamitan at bumigay rin ang kisame sa Room 611 sa ika-6 na palapag ng gusali sa Barangay Cembo, ayon sa fire marshall na si Supt. Roy Quisto.

Umabot sa unang alarma ang sunog at hindi na kumalat sa iba pang parte ng paaralan.

Kuwento ng isang guwardiya, nakarinig siya ng pagputok, pero iniimbestigahan pa ito ng Bureau of Fire Protection. Inaalam din kung paano nagsimula ang sunog lalo't walang tao sa gusali noon.

Nasa P20,000 ang halaga ng mga natupok na gamit.

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT