'Holy week' exodus ramdam na sa ilang terminal | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Holy week' exodus ramdam na sa ilang terminal

ABS-CBN News
Published Mar 31, 2023 06:43 PM PHT

MAYNILA - Bago pa man mag-Semana Santa ay nagsisimula nang umuwi sa mga probinsiya ang ilang taga-Metro Manila na nais makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang dito si Grace Demerin at kaniyang asawa, na pumunta ng Ninoy Aquino International Airport limang oras bago ang kanilang flight.

"Mahirap makipagsabayan pag marami tao lalo dito sa Manila sobrang traffic, mas minabuti namin agahan para hindi makipagsabayan sa bulto ng sobrang daming tao," ani Demerin.

Nasa 120,000 hanggang 140,000 ang inaasahang pasahero sa NAIA sa Semana Santa kada araw, ayon sa Manila International Airport Authority.

ADVERTISEMENT
"For international flights to be here at least 3 hours before flight, 2 hours for domestic flight, for certain airlines they will open check in counters earlier, so pag kaya pumunta ng maaga, gawin natin ito," ani MIAA Senior General Assistant Manager Bryan Co.

Handa na rin ang MIAA sa Malasakit Kits sakaling magkaroon ng delays.

Pagdating naman sa mga pantalan, inaasahang mahigit 2 milyong pasahero ang dadaan mula Linggo hanggang matapos ang Semana Santa.

Pero ngayon pa lang, ramdam na ang Holy Week Exodus sa ilang pantalan. Kabilang sa mga lumuwas si Jessar Catipon, na nag-leave mula pa noong Biyernes para makaiwas sa inaasahang dagsa ng mga bibiyaheng pasahero habang papuntang Iloilo.

"Maliligo sa dagat. Bonding ng mga kamag-anak doon… Maaga kaming nag-book para di masyadong hassle, tapos maaga ring pumunta rito. Para mabilis na rin," ani Catipon.

Fully booked naman ang mga airconditioned bus pa-Catanduanes sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board. 743 units ang binigyan nila ng special permit hanggang Abril 11 para masigurong sapat ang mga pampasaherong bus para sa Holy Week.

“Sa mga pagkakataon na talagang may contingency na kailangang mag-issue pa ng speical permit, may mga standby po kaming mga. tao sa mga terminal para po mag-assist doon sa pagdagdag ng mga buses at makapag-issue po ng special permit," ani LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano.

Ayon sa pamunuan ng PITX, bukod sa pagpunta sa terminal ay maaari ring i-check ng mga pasahero ang mga website ng bus companies para makita ang available na biyahe upang iwas-abala at maiplano nang maayos ang kanilang mga biyahe.

-- May mga ulat nina Lady Vicencio, Vivienne Gulla, at Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT