3 umano'y kasapi ng NPA napatay sa Davao de Oro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 umano'y kasapi ng NPA napatay sa Davao de Oro

ABS-CBN News
Published Mar 29, 2022 04:21 PM PHT

Patay ang tatlong umano'y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng rebeldeng grupo at militar sa Maragusan, Davao de Oro nitong Linggo.

Kinilala ang mga napatay na sina Ezequil Cortez Daguman, Ruel Baylon, at Quirino Remegio.

Nakunan sila ng mga matataas na kalibre ng baril, IED at iba’t-ibang bala ng armas.

Ayon kay Brig. Gen. Jesus Durante, commander ng 1001st Brigade, humantong sa madugong engkwentro ang nangyari dahil gumagamit ng dahas ang komunistang grupo sa Brgy. Tupas.

Sa datos ng 1001st brigade, sa 105 na kasapi ng NPA sa Davao de Oro, nasa 30 na lang umano ang patuloy pa nilang tinutugis.

Noong Huwebes lamang, nagsagawa ng “victory declaration” program ang 10th Infantry Division ng Philippine Army kung saan iprinesenta ang 78 na mga umano'y dating miyembro ng NPA na sumuko sa mga awtoridad mula August 2021.—Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA ULAT
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT