DOLE, magbibigay muli ng ayuda sa mga manggagawang apektado ng ECQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOLE, magbibigay muli ng ayuda sa mga manggagawang apektado ng ECQ

DOLE, magbibigay muli ng ayuda sa mga manggagawang apektado ng ECQ

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Dumaraan sa checkpoint sa Marcos Highway sa Cainta, Rizal ang magtataho na si Isagani Delos Santos noong March 18, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MANILA - Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Lunes na hindi pababayaan ang mga maapektuhang empleyado ng muling pagsasailalim ng NCR Plus sa enhanced community quarantine.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, handa ang kagawaran na magbigay ng cash assistance at emergency employment program sa mga maaapektuhang empleyado.

"Mayroon kaming ipinalabas kanina na mga direktiba para aming mga labor standard inspectors na mag-conduct ng intensified inspection sa lahat ng business establishments, mga work places, sabay-sabay sila iinpeksyunin at find out and determind if they are compliant with all labor law and health standards and protocols," sabi ni Bello.

"Marami sa ating mga kababayan, workers, mga empleyado na maaaring hindi makapasok sa trabaho dahil dito, alam mo naman yung policy, no work-no pay," aniya.

ADVERTISEMENT

"Handa naman nag Department of Labor na kahit papano ay makapagbigay tayo ng tulong," dagdag niya.

Kabilang dito ang P5,000 cash assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at pagbibigay ng trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD).

Hinikayat ni Bello na magsumite na sa DOLE ang mga employer ng listahan ng mga empleyado na labis na apektado ng ECQ. Tiniyak ni Bello na pabibilisin ang pagbigay ng pondong ipamamahagi sa mga empleyado.

Sasanayin naman bilang mga contact tracer ang mga mabibigyan ng trabaho sa ilalim ng TUPAD program. Iminungkahi na rin umano ni Bello sa DILG na italaga ang mga ito sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.

"Kailangang-kailangan natin ng contact tracers, and we volunteered to the Department of (Interior and) Local Government na yung ating mga benepisyaryo sa ating emergency employment program ay gamitin nila as contact tracers," ani Bello.

ADVERTISEMENT

Tiniyak rin ni Bello na sapat ang pondo para sa programa. Sa ilalim ng Bayanihan 2, may nakalaang umanong P4 bilyon para sa CAMP habang P4 bilyon naman para sa TUPAD.

May nakalaan rin na P2 bilyon na pondo para sa mga stranded na OFW sa ilalim ng AKAP.

Samantala, tuloy-tuloy na rin umano ang pag-iinspeksyon ng DOLE sa mga business establishment sa buong bansa upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga labor law at health and safety protocols.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.