Espiya? Telco pumalag sa alegasyong 'pakikipagsabwatan' sa China | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Espiya? Telco pumalag sa alegasyong 'pakikipagsabwatan' sa China

ABS-CBN News
Published Mar 29, 2019 07:22 PM PHT

Habang inaayos ng data analyst at web developer na si Dominic Ligot ang website ng ina, may napansin siyang kakaibang "string" na kapag na-click ay dumidiretso umano sa isang website sa China.

"Kapag in-access mo 'yung Smart hotspot nasisingit 'yung code so medyo nakakapag-alala na. So pinost ko sa Twitter pero di ko inaasahan that people are going to talk about it," sabi ni Ligot, na isa ring blogger.

Nag-viral sa social media ang post nito, na ibinahagi ng libo-libong netizens.

Sinabi niya sa tweet na patunay daw ito na minamanmanan ng China ang mga Pinoy sa pamamagitan ng kompanyang Smart.

ADVERTISEMENT
"It’s strange na nagkakaroon ng random code. Worst case scenario baka mino-monitor na tayo. Baka lang for awareness shinare ko sa socal media," aniya.

Tiningnan niya ito maging sa mga website ng gobyerno tulad ng Malacañang, Comelec, at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Lumalabas na gamit ang China-made phone at ang Smart connection, dumadaan ito sa anonymous servers at sa dalawang websites sa China.

"Nung nag-switch kami, hindi siya nag-appear. Tinesting namin, mukhang nangyayari siya kapag Smart hotspot at Chinese branded ang phone," ani Ligot.
'WALANG DAPAT IKABAHALA'

Sa tugon ng DICT kay Ligot, sinabi nitong walang dapat ipag-alala ang publiko.
Sa tugon ng DICT kay Ligot, sinabi nitong walang dapat ipag-alala ang publiko.
ADVERTISEMENT
"Iyung sa aming pagsasaliksik, it turned out they used the lumang router ng Smart at nara-route sa China. Based on our investigation, wala kaming nakitang exploitation sa routing lang. Wala tayong dapat ikabahala diyan," paniguro ni DICT Assistant Secretary Allan Cabanlong.

Pumalag naman ang Smart Communications at sinabing pinahahalagahan nila ang privacy at security ng kanilang mga komunikasyon.

"We wish to assure our customers and the public that Smart values the privacy and security of their communications and is undertaking all possible measures to prevent cyber-mischief... We note however that in a later tweet Mr. Ligot changed his tune... He has backtracked from his earlier assertion," sabi ni Ramon Isberto, head of public affairs ng Smart Communications, Inc.

Sa huli, inamin naman ni Ligot na hindi siya eksperto sa cybersecurity.

—Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT