Archbishop Valles itinuturing na ‘true gifts’ ang mga pari, alagad ng Simbahan

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 04:59 PM | Updated as of Jan 03 2019 07:50 AM

Hinimok ni Davao Archbishop at CBCP president Romulo Valles sa ginanap na Chrism Mass sa San Pedro Cathedral ang mga pari na manatiling tapat at banal sa kanilang pagsisilbi sa Diyos, sa Simbahan at sa mga tao.

DAVAO CITY—Napuno ng tao at mga pari ang San Pedro Cathedral kung saan idinaos ang Chrism Mass Huwebes Santo ng umaga.

Ang misa ay pinagunahan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valles.

Sa ginanap na misa, benindisyonan ang holy oil na gagamitin ng bawat simbahan sa buong taon. Bukod dito, mahigit 100 pari ng Diocesan Clergy ang muling nangako sa Diyos bilang mga pari.

Sa homily ni Valles, nagpasalamat siya sa mga pari at mga nagtatrabaho sa simbahan sa kanilang serbisyo.

Humihingi rin ng panalangin si Valles sa mga tao para manatiling tapat at banal ang mga pari sa kanilang pagsisilbi sa Diyos, sa Simbahan at sa mga tao.

“This year also, I believe, is a great opportunity for us bishops to deepen our sense of appreciation and gratitude. All the priest and religious in our local churches, they are truly gifts to us. Many of them, countless of them, priest and consecrated persons are really our source of joy, pride and inspiration so daghang salamat sa inyong pag-alagad sa Simbahan," sabi ni Valles.

Umaasa rin si Valles na nakakatulong ang mga pari sa publiko lalo na sa paglaban sa korapsiyon, ilegal na droga at pagpreserba sa kalikasan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.