2 patay, 2 kritikal sa aksidente sa CDO

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 01:26 PM | Updated as of Mar 29 2018 04:00 PM

Agad na dinala sa pagamutan ang isang lalaki at tatlong batang angkas niya sa pedicab matapos na maaksidente nitong Huwebes Santo, Marso 29, 2018, sa Cagayan de Oro City. Photo courtesy of Lumbia Police Station 8.

CAGAYAN DE ORO CITY – (UPDATED) Patay ang 2 bata habang kritikal naman ang 2 pang indibidwal matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Mambuaya, Huwebes ng madaling araw.

Sa Northern Mindanao Medical Center na pumanaw sina Vanessa Quintoriano, 11, at kapatid na si Jackielyn, 12. Agaw-buhay naman sa ospital ang isa pa nilang kapatid na si Rose Jean, 9, at tiyuhing si George Oreo.

Napaiyak na lamang ang ama ng mga batang namatay sa aksidente ngayong Huwebes Santo habang tinitingnan ang nakataklob na bangkay ng kaniyang mga anak. Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Ayon sa inisyal na ulat, minamaneho ni Oero ang motor angkas ang 3 bata galing Barangay Tignapoloan at patungong Barangay Danhatag sa bayan ng Baungon sa Bukidnon.

Nabangga umano nito ang nakatambak na lupa sa daan hanggang tuluyang salpukin ang isang motorela na nakaparada sa tabi ng kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.