Mga kabataang sumusuporta sa NPA, nag-rally sa Butuan City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga kabataang sumusuporta sa NPA, nag-rally sa Butuan City

Mga kabataang sumusuporta sa NPA, nag-rally sa Butuan City

May Diez,

ABS-CBN News

Clipboard

May Diez, ABS-CBN News

BUTUAN CITY – Nasa mahigit 50 kabataan ang nagmartsa sa gitna ng kahabaan ng Montilla Boulevard sa Butuan City Miyerkules ng hapon, sa araw ng ika-48 na anibersaryo ng komunistang New People’s Army (NPA).

Nagmartsa ang mga sumali sa rally na nakatakip ng pulang tela ang mga mukha, at bitbit ang mga placard, habang isinisigaw sa kalsada na kanilang ipinagdiriwang ang anibersaryo ng NPA.

Patuloy nila umanong ipinaglalaban ang adhikain ng NPA na paglingkuran ang mamayan, bilang sila ang tunay na sundalo ng bayan.

Mabilisang ikinabit ng ilan ang mga pulang streamers sa overpass at railings ng Montilla Boulevard.

ADVERTISEMENT

Naging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko ang lightning rally.

Matapos ipahayag ang umano’y matagumpay na kilusan ng NPA ay agad din silang nagpulasan palayo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.