PatrolPH

'TV Patrol' kinilalang 'all-time favorite' news show

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2023 10:24 PM | Updated as of Mar 28 2023 11:01 PM

Ginawaran ang ABS-CBN flagship news program na “TV Patrol” nitong Miyerkoles ng pagkilala bilang “all-time favorite show” sa news and current affairs sa parangal ng mga non-governmental organizations (NGO).

Bahagi ang gawad ng NGO TV Awards Bayanihang Filipino 2023 ng multimedia platform na NGO TV Network na ginanap sa Pasig City.

Kinilala rin bilang isa sa mga outstanding media practitioner ang ABS-CBN reporter na si Anjo Bagaoisan.

Ayon sa grupo, pinili mula sa 4,000 nominado ang 80 kinilalang outstanding individuals and groups mula sa hanay ng iba-ibang NGO sa bansa.

Pinarangalan din ang mga entrepreneur, law enforcers, at public servants.

Ikaapat na taon na ito ng paggawad ng grupo ng NGO TV Awards. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.