100 kilo ng sibuyas mula Bongabon ibebenta sa Kadiwa sa Novaliches | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
100 kilo ng sibuyas mula Bongabon ibebenta sa Kadiwa sa Novaliches

Nico Bagsic,
ABS-CBN News
Published Mar 28, 2023 10:43 AM PHT
|
Updated Mar 28, 2023 11:31 AM PHT

MAYNILA — Dumating sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) ngayong Martes ang nasa 100 kilo ng sibuyas mula Bongabon, Nueva Ecija na ibebenta sa Kadiwa store.

Ayon sa magsasakang si Victor Layug, ito na ang kanilang mga nalalabing ani ng sibuyas sa Bongabon na dadalhin sa Diocese ng Novaliches para ibenta sa mga parokyano nito.

Nakipagtulungan ang mga iba't ibang parokya sa Quezon City sa DA para madaling maihatid sa simbahan ang mga aning sibuyas, bigas at kamatis na manggagaling mula na mismo sa mga magsasaka.

Ang inisyatibong ito ay nagsimula pa noong Enero nang magkaroon ng krisis sa sibuyas.

ADVERTISEMENT
Sabi ni DA Assistant Secretary James Layug, layon nitong "ma-bypass" ang problema sa transportasyon at traders ng mga magsasaka.

"Dahil direct 'to, deretso sa mga constituents ng parish, it will be in a lower price dahil nawala 'yung transport cost," aniya.

"Pero at the same time, medyo mataas pa din 'yung farm gate price, disente pa din ang farm gate price, napoprotektahan pa din 'yung interes ng mga farmers."

Malaking bagay ang partnership na ito ng DA at ng Diosesis ng Novaliches para maibenta sa tamang halaga ang mga aning gulay tulad ng sibuyas, sabi ng magsasakang si Layug.

Aniya, "Mas tataas po ng kaunti ang kita ng magsasaka. Malaking tulong din po pati yung mga sasakyan."

Umaapela naman ang ilang magsasaka ng sibuyas na katulad ni Layug na ihinto muna ng pamahalaan ang pag-angkat at pagbebenta ng mga imported na sibuyas sa susunod na mga buwan

Ito'y para hindi umano sila magkaroon ng kakumpitensiya dahil lubha anila silang naapektuhan ng pag-import ng bansa ng sibuyas noong Enero kung saan mas murang naibenta ang mga ito kumpara sa kanilang mga lokal na ani.